Maging malinaw sa atin kung bakit may Pasko

Ikatlong Biyernes ng Adbiyento, Unang araw ng Simbang Gabi

Jn. 5: 33 - 36

Ipaghanda natin ang Kapaskuhang dumarating nang may tamang disposisyon.  Magagawa lamang natin ito kung malinaw sa atin ang tunay nitong kahulugan - hindi konsepto ng Pasko, hindi mga regalo't palamuti, kundi si Hesus mismo.

Maging malinaw nawa sa atin ang Pasko

Sa unang pagbasa kay Isaias, pinanunumbalik sa ating alaala ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.  Titipunin ninyang muli ang kanyang bayan; mamumuno ang katarungan at habag; at mawawala ang mga balakid na nakapaghihiwalay sa atin sa isa't isa't sa Diyos.

Nililinaw sa atin ang pamumuno ng Diyos at ang kanyang papel na mag-ugnay, maghilom, at mamuno sa katarungan at habag.  Ang papel natin?  Maging saksi sa kahanga-hangang ginawa ng Diyos.

Ikalawa, linawin natin ang papel ni Juan Bautista sa Pasko.  Ang buhay niya'y isang paghahanda sa daraanan ng Panginoon.  Handa ba ang mga pari't magulang na maging tagapaghanda ng daraanan ng Panginoon sa parokya't tahanan?

Ikatlo, ang Pasko'y si Kristo; wala nang iba.  Tulad ni Hesus na tagapaghilom at tagapagpatawad ng kasalanan, tinatawag tayong maging instrumento ng paghihilom at kaligtasan ng Diyos.

Comments

Popular posts from this blog

ngayon isasama kita sa paraiso

Saturday of the 1st week of Lent