Pamumunga ni San Josemaria Escriva de Balaguer
Kapistahan ni San Josemaria Escriva de Balaguer Lucas 5: 1 - 11 Maraming bahagi sa buhay ni Padre Josemaria Escriva de Balaguer ang ukol sa pamumunga. Ito ri'y maaari nating baunin at hangarin ang pamumunga ng buhay natin. Nagsimula ang pamumunga ni San Josemaria noong inordenahan siyang pari noong 1923. Ganoon na lamang ang kanyang pagkukusang mamunga sa kanyang bokasyon at gampanin ang kanyang papel na alagaan ang mga dukha't maysakit habang siya'y nag-aaral ng abogasya. Sa kanya itinanim ang binhi ng Mabuting Balita. Ikalawang pamumunga ay noong nilikha niya ang Opus Dei noong 1928 para sa mga nagnanais mamuhay sa kabanalan sa gitna ng ordinaryong pamumuhay. Maraming naakit sa pamumuhay na ito simula 1928 para una sa mga kalalakihan, pagkatapos ay para sa mga kababaihan na aktibong naglilingkod sa lipunan at sa Simbahan. Ikatlong pamumunga ay noong naging personal prelature ang Opus Dei noong 1943. Ito'y lubos nang nakakabit sa Simbahan lalo ...