Posts

Showing posts from July, 2020

Pagkalinga ng Diyos

Image

Ang kapangyarihan ng daigdig at ang bata

Miyerkules ng ika-15 linggo ng karaniwang panahon Pinasya ng Ama na makita siya hindi sa pamamagitan ng makapangyarihan at marurunong kundi sa pamamagitan ng isang hamak na bata.   Huwag na po nating kainggitan ang makapangyarihan.  Hangging dito lamang sila sa mundo. May isang paanyaya sa ating lahat - ang makita ang tunay - ang Diyos at kanyang katotohanan. Ito'y sa pamamagitan ng mga sumusunod: 1. Kay Hesus - siyang pangunahing pinagkatiwala ng Diyos ng kanyang katotohanan.  At ganap ang pagiging katiwala ni Hesus.  Siya ngayon ang ating daan patungo sa Ama. 2. Pagkakaisa - ganap na pagkakaisa ng Ama at Anak.  Sa kapanahunan ng Israel, may konkretong mukha ang hindi nakikitang Diyos; tignan lamang si Kristo. 3.  Yaong pinagpahayagan ng Anak - binibigyan tayo ng pagkakataong makita ang Ama ayon sa kalooban ng Diyos.  Ang mga sinugo na may puso ng isang alipin ang makakakita ng nais ni Hesus.