Pamumunga ni San Josemaria Escriva de Balaguer
Kapistahan ni San Josemaria Escriva de Balaguer
Lucas 5: 1 - 11
Maraming bahagi sa buhay ni Padre Josemaria Escriva de Balaguer ang ukol sa pamumunga. Ito ri'y maaari nating baunin at hangarin ang pamumunga ng buhay natin.Nagsimula ang pamumunga ni San Josemaria noong inordenahan siyang pari noong 1923. Ganoon na lamang ang kanyang pagkukusang mamunga sa kanyang bokasyon at gampanin ang kanyang papel na alagaan ang mga dukha't maysakit habang siya'y nag-aaral ng abogasya. Sa kanya itinanim ang binhi ng Mabuting Balita.
Ikalawang pamumunga ay noong nilikha niya ang Opus Dei noong 1928 para sa mga nagnanais mamuhay sa kabanalan sa gitna ng ordinaryong pamumuhay. Maraming naakit sa pamumuhay na ito simula 1928 para una sa mga kalalakihan, pagkatapos ay para sa mga kababaihan na aktibong naglilingkod sa lipunan at sa Simbahan.
Ikatlong pamumunga ay noong naging personal prelature ang Opus Dei noong 1943. Ito'y lubos nang nakakabit sa Simbahan lalo na sa Santo Papa. Ang gawain ni San Josemaria'y hindi huminto. Namunga na ito sa kanyang pagbisita sa iba't ibang bansa upang magbigay ng mga turo't aral ukol sa kabanalan. Dito rin sa taong ito ng 1943 nabuo ang lupon para sa mga pari, upang hindi lamang laiko kung pati pari'y na bumubuo ng Simbahan ay ganap sa kanyang pagiging Simbahan.
Di kataka-taka na sa 2002, tinanghal ni San Papa Juan Pablo II si Pd. Josemaria Escriva bilang isang Santong hanggang ngayon ay namumunga nang walang hanggan sapagkat pinagdarasal tayo sa Diyos.
Comments