Share your ideas and inspire others! This blog also serves as my personal journal and a source of profound insights on how God works in our daily lives. Enjoy!
Take a break, listen to the Stylistics
Get link
Facebook
Twitter
Pinterest
Email
Other Apps
Take a break and listen to the soothing songs of the Stylistics which I recorded at a park in New Jersey last summer of 2007.
Sinambit na ni Kristo ang ikalawang huling salita, "Ngayon isasama kita sa paraiso." Sinabi niya ito sa rurok ng kanyang paghihirap, sa panahong pati ang salaring nasa kanyang kaliwa'y tinutuya siya, "iligtas mo ang iyong sarili pati na kami." Sa krus, nakita pa rin ni Hesus ang dalisay na puso ng kanyang kapwa, "Hindi ka ba nahihiya sa iyong sinabi. tayo ay nagkasala, ngunit wala siyang kasalanan." Handa na yung isang salarin na siya maparusahan. Ang tanging kanyang nasambit na lamang ay, "Panginoon, alalahanin mo na lamang ako sa iyong kaharian." May dalawang uri ng pagtugon sa Panginoon. Yung isa'y nanunuya, nang-iinsulto, sakim, makasarili, namimilit na siya'y iligtas at pagaanin ang buhay, Kahit ang iba'y naghihirap, siya'y hindi. Yaong isa nama'y humigingi ng tawad, mapagkumbaba. Doon sasabihin ni Hesus, "Ngayon, isasama kita sa paraiso." Yaong isa, naniniwala sa paraisong nilikha ng Diyos noo
Kabanal-banalang Puso ni Hesus John 19:31-37 Sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus, binubuksan tayo sa isang katotohanan na ang Diyos ay pag-ibig; hindi lamang ito pag-ibig sa nibel ng isipan kundi pag-ibig sa mismong nibel ng buhay, nanunuot, nagbabasbas, at namumunga rin ng wagas na pag-ibig. Mula sa unang pagbasa, sa aklat ni propeta Hosea, ang Israel ay tinuring niyang kanyang anak, pinalaya, pinalakad, at tinuruan. Ngunit nagdurugo ang kanyang puso sa galit; hindi nakikinig and Israel. Ano ang kanyang gagawin? Hindi niya sisirain ang Ephraim. Sapagkat siya'y Diyos, hindi tao. Ito ang pag-ibig ng Diyos: kung nakakaranas tayong magkasala, andyan siya upang tayo'y patawarin at patuloy na buhusan ng pag-ibig. Ang tugon natin? Paghingi ng tawad. Ikalawa, ang pag-ibig ng Diyos ay pinaapaw ng Espiritu Santo sa puso natin, kung kaya't nakikilala natin si Kristo at malaman ang kanyang pagliligtas. Ang pag-ibig ng Diyos ay kasingtulad ni H
Comments
SUN