Nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos

Kabanal-banalang Puso ni Hesus John 19:31-37 Sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus, binubuksan tayo sa isang katotohanan na ang Diyos ay pag-ibig; hindi lamang ito pag-ibig sa nibel ng isipan kundi pag-ibig sa mismong nibel ng buhay, nanunuot, nagbabasbas, at namumunga rin ng wagas na pag-ibig. Mula sa unang pagbasa, sa aklat ni propeta Hosea, ang Israel ay tinuring niyang kanyang anak, pinalaya, pinalakad, at tinuruan. Ngunit nagdurugo ang kanyang puso sa galit; hindi nakikinig and Israel. Ano ang kanyang gagawin? Hindi niya sisirain ang Ephraim. Sapagkat siya'y Diyos, hindi tao. Ito ang pag-ibig ng Diyos: kung nakakaranas tayong magkasala, andyan siya upang tayo'y patawarin at patuloy na buhusan ng pag-ibig. Ang tugon natin? Paghingi ng tawad. Ikalawa, ang pag-ibig ng Diyos ay pinaapaw ng Espiritu Santo sa puso natin, kung kaya't nakikilala natin si Kristo at malaman ang kanyang pagliligtas. Ang pag-i...