Disyembre 18

Payak na pananaw

Matthew 1:18-24

Matapos na maiugat ang sarili natin sa Panginoon at siya lamang ang pinakadiwa ng Pasko, maraming mga bahagi ng ating buhay ang kailangang pang mapahinutulutan nating Siya'y papasukin.  Tulad ni Jose na tinataguriang matuwid dahil nais niyang maligtas ni Maria sa kapahamakan, pinakikita ang kanyang natatanging papel na bigyang pangalan ang nasa sinapupunan ni Maria upang matupad ang propesiya na "pasisibulin mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari." (Jer. 23, 5 - 8)

Isang maka-Diyos na pananaw sa simula pa ang kailangan upang makalahok tayo sa mundo ng Diyos upang tayong maging instrumento sa paghahanda ng pagdating ng Panginoon sa ating pamilya, ka-trabaho, kaklase, kapitbahayan, atbp.

Anu-ano ang mga katangian ng pananaw na ito?

Una, batayang paninindigan

"Fundamental option" ang tawag nito sa ingles; isang uri ng orientasyon kung tayo sa para sa Diyos o hindi.  Kung alam nating tayo'y para sa Diyos, gagawa tayo ng paraan upang wakasan ang kasalanan sa puso natin.  Tatahakin natin ang landas na matuwid.

Ikalawa, mga kahalagahang makatao

Lahat ng batayan ng ating buhay sa Panginoon ay tungo sa paglilingkod sa ating kapwa at inaalagaan ang kanilang kapakanan.  Iniisip din ng tao ang kapakanan ng nakararami at hindi ang kanyang sariling kapakanan.

Ikatlo, mga kahalagahang maka-Diyos

Ang bunga nito'y pag-aalay ng buong sarili, panahon, talento, at kayamanan upang iakay ang lahat ng tao't ang sarili sa Diyos na may-ari ng langit at lupa.  Kaya nakuhang sumunod ang tao sa kalooban ng Diyos at hindi ang kanyang sarili.  Mas maraming mapapalang mabuti ang mga taong sumusunod sa kalooban ng Diyos.

Comments

Popular posts from this blog

ngayon isasama kita sa paraiso

Saturday of the 1st week of Lent