Manatiling maging bata

Lunes ng ika-26 linggo, 
Taon 1

Ang kasiyahan sa isang bata ay hindi kung ika'y umaarteng parang bata kundi ang laman ng iyong puso'y singwagas ng isang bata.

Ito ang Sion na tinutukoy ng Panginoon sa pamamagitan ni propeta Zakarias; ang Sion na kung saan itatayo muli ang templo ng Diyos.  Ang Sion ay ang taluktok ng bundok kung saan magkikita ang tao at Diyos; larawan ito ng langit kung saan magkakaroon ng masayang pagtatagpo ng Diyos at ng tao.

Ngunit nawa'y taglay natin ang kasiglahan ng mga batang naglalaro; buhay at nagdudulot ng kasiyahan sa iba.  Kailangan din natin pusong payak tulad ng sa bata; hindi mapag-alala sa napakaraming alalahanin sa buhay kundi masaya lamang sa piling ng minamahal.  Tayo'y parating nasa piling ng Diyos; masaya ba tayo?

At higit sa lahat, kailangan natin ng pagtalima ng isang bata tulad ng pagsunod ng bata sa kanilang mga magulang at guro.  Bata ang papapasukin ng Ama sa kanyang kaharian; tayo iyon na may puso ng isang bata, handang magpasaya sa ibang tao at handang tumalima sa kalooban ng Ama.

Comments

Popular posts from this blog

ngayon isasama kita sa paraiso

Pamumunga ni San Josemaria Escriva de Balaguer