Sinambit na ni Kristo ang ikalawang huling salita, "Ngayon isasama kita sa paraiso." Sinabi niya ito sa rurok ng kanyang paghihirap, sa panahong pati ang salaring nasa kanyang kaliwa'y tinutuya siya, "iligtas mo ang iyong sarili pati na kami." Sa krus, nakita pa rin ni Hesus ang dalisay na puso ng kanyang kapwa, "Hindi ka ba nahihiya sa iyong sinabi. tayo ay nagkasala, ngunit wala siyang kasalanan." Handa na yung isang salarin na siya maparusahan. Ang tanging kanyang nasambit na lamang ay, "Panginoon, alalahanin mo na lamang ako sa iyong kaharian." May dalawang uri ng pagtugon sa Panginoon. Yung isa'y nanunuya, nang-iinsulto, sakim, makasarili, namimilit na siya'y iligtas at pagaanin ang buhay, Kahit ang iba'y naghihirap, siya'y hindi. Yaong isa nama'y humigingi ng tawad, mapagkumbaba. Doon sasabihin ni Hesus, "Ngayon, isasama kita sa paraiso." Yaong isa, naniniwala sa paraisong nilikha ng Diyos noo
Comments