Share your ideas and inspire others! This blog also serves as my personal journal and a source of profound insights on how God works in our daily lives. Enjoy!
Take a break, listen to the Stylistics
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
Take a break and listen to the soothing songs of the Stylistics which I recorded at a park in New Jersey last summer of 2007.
Sinambit na ni Kristo ang ikalawang huling salita, "Ngayon isasama kita sa paraiso." Sinabi niya ito sa rurok ng kanyang paghihirap, sa panahong pati ang salaring nasa kanyang kaliwa'y tinutuya siya, "iligtas mo ang iyong sarili pati na kami." Sa krus, nakita pa rin ni Hesus ang dalisay na puso ng kanyang kapwa, "Hindi ka ba nahihiya sa iyong sinabi. tayo ay nagkasala, ngunit wala siyang kasalanan." Handa na yung isang salarin na siya maparusahan. Ang tanging kanyang nasambit na lamang ay, "Panginoon, alalahanin mo na lamang ako sa iyong kaharian." May dalawang uri ng pagtugon sa Panginoon. Yung isa'y nanunuya, nang-iinsulto, sakim, makasarili, namimilit na siya'y iligtas at pagaanin ang buhay, Kahit ang iba'y naghihirap, siya'y hindi. Yaong isa nama'y humigingi ng tawad, mapagkumbaba. Doon sasabihin ni Hesus, "Ngayon, isasama kita sa paraiso." Yaong isa, naniniwala sa paraisong nilikha ng Diyos noo...
Miyerkules ng ika-15 linggo ng karaniwang panahon Pinasya ng Ama na makita siya hindi sa pamamagitan ng makapangyarihan at marurunong kundi sa pamamagitan ng isang hamak na bata. Huwag na po nating kainggitan ang makapangyarihan. Hangging dito lamang sila sa mundo. May isang paanyaya sa ating lahat - ang makita ang tunay - ang Diyos at kanyang katotohanan. Ito'y sa pamamagitan ng mga sumusunod: 1. Kay Hesus - siyang pangunahing pinagkatiwala ng Diyos ng kanyang katotohanan. At ganap ang pagiging katiwala ni Hesus. Siya ngayon ang ating daan patungo sa Ama. 2. Pagkakaisa - ganap na pagkakaisa ng Ama at Anak. Sa kapanahunan ng Israel, may konkretong mukha ang hindi nakikitang Diyos; tignan lamang si Kristo. 3. Yaong pinagpahayagan ng Anak - binibigyan tayo ng pagkakataong makita ang Ama ayon sa kalooban ng Diyos. Ang mga sinugo na may puso ng isang alipin ang makakakita ng nais ni Hesus.
Comments
SUN