Pasasalamat sa Mahal na Obispo Francisco San Diego
Modelo ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig Ni Padre Lito Jopson Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon sa maraming mga pagkakataon na naging biyaya si Obispo Francisco San Diego sa aking buhay. Nagsilbi siyang haligi ng aking buhay sa tatlong pamamaraan: Una, haligi siya sa pagkakatatag ng matibay na pananampalataya sa Diyosesis ng Pasig. Kasama ako sa pagkakatatag ng Pasig noong Agosto 2003. Nahiwalay man sa Maynila na may kasamang agam-agam, ngunit unti-unti itong naibsan sa pagpasok ng isang obispong nagsilbing unang ama ng bagong katatatag na simbahan. Tila ang buong diwa ng Diyosesis ng Pasig ay diwa ni Bishop Francisco - sa structura, sa building, sa mga opisina. Ngunit di man natin alam, sa istruktura rin ng pananampalataya sa puso ng bawat nakatira rito at sa paglago nito. Para sa akin, sa Bishop Francisco ang haligi ng matibay na pananampalataya sa Pasig. Pangalawa, haligi para sa akin si Bishop Francisco sa pag-asa ng isang maliwanag ...